r/buhaydigital Jun 18 '24

Finally, employed na!! Buhay Digital

Hello everyone! gusto ko lang ishare yung journey ko sa pag job hunting after being unemployed for a few months. Hooked a high paying client with nice work environment + may mga benefits pa! 😭❤️ (Long story ahead!!)

I lost my job around april and simula non, I tried finding a job na. Hirap na hirap ako kasi feeling ko wala nakaka pansin sa akin kahit kung saan saan ako nag hahanap ng work. Indeed, OLJ, Jobstreet, LinkedIn, tiktokc, name it! pero siguro ang daming factor kung bakit di napapansin application ko at isa na doon yung hindi optimized ang CV ko. So sinimulan ko ayusin yung CV ko and I tried applying sa job posts kung saan saan, tambay ako sa mga online jobs kasi ayaw ko na rin ng on-sige na work. Dumating pa sa point na muntik na ako pumatol sa low paying work, pero di ko tinuloy kasi I know I deserve more than that! Patuloy ako nag hahanap sa mga online jobs hanggang dumating ako sa point na napagod ako, I was hopeless and desperate kasi nasstress ako sa bahay namin since wala akong work, sari sari naririnig ko sa magulang ko na ang bigat sa pakiramdam at doon mas lalo akong nalugmok :(

I decided to take a break… hindi ko pinipilit sarili ko mag hanap for a few weeks kasi nakaka pagod. Until there was a point na I feel like I have the drive to get back on track again! nag back to 0 ako and I decided to create a tracker of my job applications! gumawa ako ng board ko sa notion where nilagay ko lahat ng inapplyan ko tska info about it. I would say naka tulong sya! Nag umpisa akong mag apply ulit sa mga job listings na alam kong nasa niche ko at di ako tumigil… eventually napansin ako ng mga inapplyan ko!! mostly mga agencies sila pero ayos lang basta maayos ang pay. Lahat pinatos ko kahit may vid recording basta gusto ko yung role, mag vivideo ako! pero the good thing about this is yung mga videos na ginagawa ko ay aligned sa niche ko so kapag may ibang place ako na inapplayan tapos same lang ng need, ganon na video na rin pinapasa ko.

Umaabot ako sa interviews, and I’d say na walang interview ako na hindi ako nag prepare kasi I want to ace it. So far, naiimpress naman mga recruiters! pero kapag ieendorse na sa clients, lagi sinasabi na waiting for go signals ng clients! huhu :( so ayun, nag chill muna ulit ako. Until this 1st week ng june napa tambay ako sa OLJ and LinkedIn, may nakita akong dalawang job post na aligned sa niche ko. Di ako nag dalawang isip na mag apply, tapos a few days later naka tanggap ako ng email from them for initial interview and I wasnt expecting na they were direct clients 😭💗

Sobrang saya ko nun kaya I did my best sa inteview, they both had a good impression sa akin during the interview and both jobs were high paying. After that interview sinabi ko sa sarili ko na I will chill na lang muna and Im not putting my hopes up that time… tapos si company 1 nag reply sakin and asked me to do an assessment for the role. Ginalingan ko talaga sa assessment mga mi!! hahahaha Then ilang days na naka lipas tapos nag follow up naman ako dun sa company 2 na naka usap ko, they said they moved forward to a diff candidate and yun, I said to myself na okay lang yan! marami pa ibang work. Hindi na ako masyadong nag put ng hope sa company 1 not until I received a email nung june 17 grabe ang tili ko and super saya ko nung nakita ko yung offer letter jusq 😭😭❤️

Ayun, sa mga nag jojob hunting there, wag mawalan ng pag asa!!! lagi mag laan ng effort and time because it will be worth it. Sa linkedin ko nakuha si company 2! canada based sila and super nice ng work environment plus grabe ang benefits 😭💝 Ayun! thank you kung umabot ka man hanggang dito sa dulo, kaya mo yan at patuloy kang maniwala sa sarili mo! 💗

1.7k Upvotes

View all comments

79

u/Just_Dragonfruit_ Jun 18 '24

congrats, OP!!! worth the wait, i'd say. good luck sa work, yieh.

also, PA-SHARE NG GOOD JUJU SA JOB HUNT KO, PLEASE. 💛💛💛✨✨✨

26

u/Suspicious-Club8544 Jun 18 '24

Good luck, sayo!!! 🍀✨Iclaim mo na kaagad yan, everything will be worthy basta tyaga lang palagi. ❤️❤️